Pumunta sa nilalaman

Belone belone

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Belone belone
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
B. belone
Pangalang binomial
Belone belone
(Linnaeus, 1761)

Ang Belone belone (Ingles: garfish; pangkahalatang tawag: kambabalo[1]) ay isang pelahiko at osyanodromong o migratoryong isda (isang needlefish o "isdang-karayom" [literal]) na natatagpuan sa mga di-kaalatang mga katubigan at mga karagatan sa Silanganing Atlantiko, sa Dagat Mediteranyano, Dagat Baltiko, at iba pa. Namumuhay ang isdang ito malapit sa kaibabawan ng tubig at mayroong gawing migratoryo (naglalakbay) na katulad ng sa mga alumahan. Nanginginain sila ng mga maliit na isda at tumatalon mula sa tubig kapag nabingwit. Nangingitlog ang mga ito at karaniwang nakikitang nakadikit sa mga bagay sa tubig ang mga itlog sa pamamagitan ng mga tendril o mga pangalawit na nasa ibabaw ng kabalatan ng itlog. May mga luntiang buto sa katawan ang mga kambabalo, di-tulad sa karamihan ng ibang mga isda. Nasa posisyong posterior (nasa likuran) ang mga palikpik nito sa balakang, katulad ng posisyon ng mga palikpik na dorsal (gawing likuran) at mga palikpik sa puwitan. Nakapuwesto ng ganito ang mga palikpik para sa pagbabaluktot ng katawan sa gawing likuran kapag lumalangoy o kumikilos.

  1. English, Leo James (1977). "Kambabalo, garfish". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isda Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.